WAR ON DRUGS REREBISAHIN , DAHIL PATI KABATAAN NADADAMAY SA KAMPANYA KONTRA DROGA

Nakakatakot na ang mga patayang nangyayari kaugnay ng kampanya kontra droga dahil kahit mga bata hindi na ligtas sa kamay ng mga pulis.
Ganito inilarawan ng mga mambabatas ang sunud-sunod na pagkamatay nina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman.
“The barbaric cruelty of his death is unthinkable but under the Duterte administration, it becomes the new normal. It is now the norm to kill alleged criminals with latent and excessive force, gangland-style executions that minors are not even spared,” ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin.
“Ganito na ba ang nangyayari o strategy ng ating gobyerno kaugnay ng war on drugs?” tanong ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro.
Ayon kay Castro na isa ring ina, natatakot na ito hindi lamang para sa kaligtasan ng kanyang mga anak kundi maging sa mga bata na anak ng mga mahihirap na anumang oras ay puwedeng may masamang mangyari sa kanila sa kamay ng mga pulis.
“Talagang hindi makatao, hindi katanggap-tanggap. Malinaw na hindi isolated case ang nangyari kay Kian (Delos Santos) dahil sa mga sunod pa na pamamaslang sa mga kabataan,” ayon naman kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago.

INTERNATIONAL PROBE

Nanawagan si James Gomez, Amnesty International (AI) director sa Southeast Asia and the Pacific, na magkaroon ng international investigation sa sunud-sunod na pagpatay sa mga kabataan ng mga awtoridad sa Pilipinas.
May sapat aniyang dahilan upang kumilos ang international community matapos ang pagpatay kina Kian, Carl at Reynaldo.
“This case and those of other young people makes it even more urgent that an international level investigation takes place,” sabi ni Gomez.

WAR ON DRUGS REBISAHIN

“We are very concerned,” tugon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella nang usisain sa press briefing kahapon tungkol sa sunud-sunod na insidente ng pagkamatay nina Kian, Carl at Reynaldo.

Inihayag pa ni Abella na bukas ang MalacaƱang sa mga panawagan na bumuo ng task force na tututok sa mga kaso ng extra-judicial killings.
“MalacaƱang is open to all significant and actually workable solutions,” ani Abella na naniniwalang napapanahon na para muling pag-aralan ng Philippine National Police (PNP) ang polisiya sa war on drugs.
“The whole matter is under investigation… It must be properly investigated…and the assurance is there will be no whitewash,” ayon pa kay Abella.

TAXI DRIVER HANAPIN

Inatasan naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin ang taxi driver na si Tomas Bagcal na sinasabing hinoldap ng 19-anyos na si Carl Angelo.
Hindi na nakita pa si Bagcal matapos magbi­gay ng ikalawang affidativ sa Caloocan City Police. Pinuntahan ang bahay nito gayundin ang kumpanya ng taxi pero hindi natagpuan.

Previous
Next Post »